Yung feeling na wala ka naman talagang kasalanan.

Panganay ka ba? Hindi ba madalas ganito ang nararamdaman natin? Minsan kasi nakakainis na dahil tayo ang mas nakakatanda, kailangan na tayo ang magpasensya. Minsan nga lumalabas pa na kinukunsinte ang mga mas bata sa atin lalo na ang bunso.

May mga pagkakataon din na may mga kasalanan silang nagawa at tayo ang sinisisi tapos magagalit ang mga magulang natin pag nangatwiran tayo. Sasabihin nila ang dapat pinagsabihan natin o tinuruan dahil tayo ang mas matanda. Diba unfair?

Siguro nga naiisip natin na hindi nila tayo naiintindihan at tayo mismo ang makakaintindi kapag nagkaanak tayo at posible na maging ganito rin ang tingin natin sa mga magiging panganay natin na anak.

  1. richardace posted this