Ang sarap ng feeling kapag alam mong may masasandalan ka.

Kahit gaano ka kalakas. Kahit gaano ka katibay. Kakailanganin mo rin ng pamilya at kaibigan na sasandalan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mo bibitbitin mag-isa ang lahat ng mga problema mo. Iba pa rin yung may nasasabihan ka ng problema. Iba pa rin yung may naiiyakan ka. Iba pa rin yung may mga taong sasabihin sayo kung tama ka o mali. 

Iba pa rin yung may assurance ka. Yung sinabi mismo sayo na pag hindi mo na kaya, tawagan mo lang siya. Hindi yung umaasa ka na masasandalan mo siya pero sa huli hindi naman pala. Na sa huli, bibitawan ka din niya.

Pero alam mo kung ano yung pinakamasarap? Na yung taong nakasandal sayo ay maaari mong din sandalan.

  1. laughunconditionally reblogged this from iamtaguro
  2. iamtaguro reblogged this from richardace
  3. randomdreamsandreality said: ay shocks, akala ko sa pader LOL =))
  4. richardace posted this